PAGASA
Marahil nga’y kay sarap maidlip at ‘di na magising Lalo’t sanlaksa ang hirap at sakit sa dibdib Marahil nga’y kay sarap panawan ng bait, kahit na sandali nang mamanhid ang puso sa hapdi at kirot dulot ng sari-saring isipin Ang luha ay ‘di na mapatid at ang bukas ay tila isa na namang nakahahapo at mabigat na pasanin Ngunit may sumpang binitiwan na ‘di ko kaylanman ninasang talikuran Batid ko ang magbata, ang magtiis ay di maiiwasan upang ang pangako Mo’y aking makamtan Kaya’t sa t’wing tila umaandap na ang pagasa Sa malawak Mong langit, yaring ulo’y itinitingala Alam kong mahahabag at lilingap Ka Ama Habang sa twina’y nanganganlong at may pagtitiwala sa Iyo Marahil ngay ang lahat ng ito’y aking babaunin nang marating ang langit Mong tahanan na para-isong pinapa-ngarap ‘Pagkat nais Kang masilayan, makapiling Ka sa ligayang wagas at ang hapis ay isa na lang nakalipas Bawat pagluha ay aariing yaman Bawat pait, saklap ay aariing tamis Bawat alimura’y aariing puri Bawat dusa’y yayakapin at ipagpapasalamat Ikaw ang tanging nalalabing… Pagasa |
Comments on "PAGASA"